Ang Aking Mentor

This entry is the result of a dare to write in Tagalog. I do speak the vernacular but not as comfortably as I wished I could. My grammar is poor and I speak like the way I tell my daughter she shouldn't, in a mix of Tagalog and English (or Taglish). I enjoyed writing it and I hope you do, reading it. I have the translation - email me for it. LOL

Mentor tawag ko sa kanya. Dating boss na kinakatakutan sa opisina pero kahit kelan di niya ako na terrorize kasi amo niya yung amo ko. Isa siya sa mga galamay ng guapong mestizong kalbo. Kapag meron kaming workshop, tanong siya ng tanong lagi kung saan ang hapunan, kasi ako ang me hawak ng pera. Nakakaladkad tuloy ako kung saan-saan tulad nung nasa Davao, para bumili at magpiyesta sa durian. Kapag merong mga quarterly meetings or basta merong kailangan tungkol sa pinansyal si amo ko, siya hinahanap ko sa planta. Siya naman ang nangteterrorize sa mga alagad niya para gawin ang report para sa akin - yikes, para pala ke amo ko.

Mabait siya sa akin, laging merong advise kaya masarap siya kwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin ng boypren ko nuon. Madalas din namin pagkwentuhan ang tungkol sa anak ko. Nung nag-isip akong aalis ako at titignan kung ano meron sa kabilang panig ng mundo, bumiyahe siya mula Mindanao para makapag-tanghalian kami at maka kwentuhan, makapag-paalaman. Na-touch naman ako. Hindi din siya nawawala sa buhay ko mula nung dumating ako sa Isteyts. Madalas siya mag email at nung dumalaw siya sa parteng ito ng mundo ay panay din tawagan namin kahit di na kami nagkita kasi masyadong bisi pa ako na magpasikat sa opisina kasi bago pa lang ako (ngayon alam na nilang di na ako nagpapasikat).

Nung umuwi ako ng Pasko ay hindi ko na nagawang matawagan siya at alam ko din naman na wala akong oras dahil dun lang ako sa kilikili ng nanay ko gustong sumiksik. Di ako nagplano makipagkita sa mga kaibigan dahil halos 2 taon ko din di nakita ang mga magulang ko kaya kahit na suyang suya na sila sa pagmumukha ko, nakabuntot pa din ako sa kanilang dalawa palagi. Yung aking anak kasi naka-iwas, bumalik sa dormitoryo. Sabi sa inyo matalinong bata yun eh.

Nagpadala ako ng email sa mga kaibigan ko tungkol sa aking blog. Nabasa daw niya kaya siya nag emeyl pabalik sa akin. Madami daw pala akong talento. Di ko na lang nasabing madami pang iba kaso di kako 'for public consumption' - hehehehehe. Pero pinaka importante daw, kelan ko ba balak na magnahimik at mag-asawa na. Yun lagi kasi ang inu-unggot niya sa akin. Mas makulit pa nga kaysa sa nanay ko eh. Sabi ko naman sa kanya di ko siya gagawing ninang kasi sa casino lang sa may disyerto ako me balak pakasal. Tipong parang signipikant - me ere ng sugal - hehehe ulet. Di ko din naman siyang magagawang ninang ng anak ko kasi dahil laging naka destino sa guerra yung nobyo ko (hoy, hindi sundalo!), malabo pa sa ewan na magkaka-anak pa kami.

Ang alam ko lang, totoo yung pagka abala niya sa akin. Lagi niya ine-explain sa akin na importanteng humanap ako ng lalaking mahal ako. Yung makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ilang beses, puro haging lang. Hirap kasi maghanap yung totoo ang pagkatao mula sa umpisa at buo ang loob na makipagsapalaran sa buhay na seryoso eh. Karamihan hanggang umpisa lang magaling - tapos nakikita mo na yung budhi - pwe!

Sabi ko sa kanya, itong aking nobyo ngayon eh hindi naman pabago-bago. Nung una ko pa lang nakilala nung bago ako sa opisina namin, me topak na. At sikat na siya sa mga topak niya. Hanggang ngayon, tapos ng dalawang taon yun pa din ang topak niya niya pero close up ko na nakikita kasi nobyo ko na nga siya. Mahirap magsalita ng tapos. Laging nasusubok. Pero sabi ko sa aking kaibigan at mentor, wag siyang mag-alala at mabait naman sa akin yung Diyos ko. Lagi ako nilalayo sa demonyo. Di pa niya ginagawa yun at pinaglalapit pa nga kami. Biglang me naiisip akong kanta: sana ay ikaw na nga....

Bigla ko tuloy na-miss mentor ko. Na-guilty kasi di ko siya tinawagan man lang nung umuwi ako. Wag ka mag-alala Vicky, pag-uwi ko, sa kilikili mo naman ako sisiksik (tapos eh ke Lizza naman hanggang isuka ninyo ako).

Sino me sabing di ako marunong magTagalog? Pwes! Bawiin mo!!!!!

Popular Posts