Blogorrhea

Lekat ang hirap maghanap ng isusulat.

Nawalan ako ng inspirasyon – sumama yata sa aking tru lab na ngayon ay kasalukuyang nasa biyahe para sa kanyang trabaho.

Lekat, mapapa-tunayan ko na naman na di na magaling ang aking Tagalog. Di yata at binagsak ko ang aking Pilipino 3 nuong Kulusa pa ako. Mabuti pa ang aking Spanish 3 na-ipinasang-awa ko. Nuon pa man yata ay naka-destino na ako malinya sa trabaho ng foreign relations. In other words, hindi talagang hindi pang-Pinoy ang hilig ko.

OK, Victoria, saan ka nanaman pupunta sa inyong kwento? Saka na natin isulat yang iyong abersiyon sa mga Pinoy. Sabi nga ng iyong ina, wag kang magsasalita ng tapos at baka subukin ka ng taghana.

Pero teka, off-limits ang kwento tungkol sa aking love life dito sa blog. Kasama ng mga ilan pang masyadong personal na di ko pa kayang ipamahagi sa buong web (Sapot? Nyek!). Di ko ambisyon maging celebrity - kaya nga di ako nag artista eh. Ipinapamahagi ko lang paminsan-minsan ang aking mga kwento ukol sa buhay-buhay para sa inyong mga naging kaibigan ko na at suki sa aking blog. Yun na din po ang dahilan kung bakit di ko na ibig ipamahagi sa inyo ang larawan ng aking tahanan ngayon. Oo nga’t naikwento ko sa inyo ang aking masalamuot na simulain sa pagsosolo sa Manhattan pero masyado namang personal na ipamahagi ko sa inyo ang loob ng aking studio ngayon, di po ba? Baka ma-imbentaryo pa ninyo ang aking net worth. Bisitahin ninyo ako at nangangako akong iimbitahin ko kayo para matikman ang ilan sa aking mga specialty: paella man or menudo o ang ang bago kong experimento na lemon squares.

Di ko din naman maisulat ang bagong epidemic na kumakalat sa aking mga kaibigan: ang pagbubuntis. Maliban sa mga kaibigan ko na kundi baog o walang nobyo/asawa o mayroon nang higit sa ninanais nilang bilang ng anak, tipong lahat yata ng aking kaibigan ay buntis. Kaliwa, kanan, harap at likuran – lahat sila ay buntis o nakapanganak na. Suki na ako ng “Babies are Us” na website dahil halos lahat sila ay nasa registry. Tila yata kailan lang ay pinag-kaka-abalahan ko ang kanilang mga bridal shower. Ngayon naman ay puro baby shower ang aking naka-kalendaryo. Nakaka-hawa daw, babala ng aking kaibigan sa akin. Sure, sagot ko naman. Safe ko kasi wala si boypren dito. Pero GULP, nag pills na din ako.

Maganda ang panahon. Primavera o spring sa ingles ang paborito kong panahon. Mabulaklak ang paligid, luntian muli ang mga puno at ang hangin ay may matamis na halimuyak (wow...minsan pati sarili ko'y ginugulat ko!). Madalas ay nilalakad ko ang tatlong milya mula sa opisina hanggang sa aking apartment. Hindi rin matipid na ehersisyo ito dahil nadadaanan ko tuloy lahat ng sale kaya labas pasok ako sa mga tindahan. Magastos man, ang nagiging konsuelo ko na lang ay humihigit sa tatlong milya ang nalalakad ko dahil sa mga ‘side trips’.

Ito ang panahon ng sinigwelas at duhat sa Pilipinas. Matagal na din akong di nakakatikim nito. Pero tuwing iniisip ko ang pag-planong umuwi sa tag-araw sa bayan natin at na-aalala ko ang tindi ng init at mahal ng kuryente (kung meron man) nade-desisyunan kong mas mabuting matigil na lang muna ako sa aking kinalalagyan. Masyadong mahal na sinigwelas at duhat kung sakali ang uuwian ko.

Isa nanamang kasulatan na walang saysay. Makulit kasi si Ana – napilitan tuloy akong magsulat bago ako mapagalitan ni Ate. Hehehe….

Pangako: ito ang huling soliloquy ko sa Tagalog. Masakit nga ba sa tenga?

Popular Posts