Working Smart

Tinanggalan nila ng internet access si bestfriend Dennis sa office. Kainis. Di na tuloy nya mabasa ang blog ko. Di naman niya ma-alala pag nasa home computer na siya kasi syempre, puro ka-personalan ang mga ina-atupag niya. Di na rin daw siya maka chat sa MSN. Kaya sa yahoo na lang niya ako pilit hinuhuli. Kaso naman lagi ako 'invisible mode' sa aking yahoo. Hindi tuloy niya ako ma-timingan kung kelan ako nasa mesa ko. Lalo pa ngayo't madaming trabaho na nalalayo ako sa aking computer.

Bakit kako sila tinanggalan/binawasan ng access sa internet? Kakaibang pangyayari kasi halos naman lahat ng opisina dito sa Istets eh binibigyan ng access ang employado sa internet. Ang objective syempre is 'for official use only'. Sa amin, nagagamit ko yung aking internet pang-research ng mga balita mula sa ibang bayan na nauukol o nakaka-apekto sa aming mga opisyal na tungkulin. Pero syempre, minsan (minsan lang daw o!) nagagamit ko para i-update ang aking blog at maki-usyoso ng blog ng iba. Yung mga chat naman eh nagagamit namin inter-office para makapag tsismisan ukol sa mga kasama namin sa opisina para di obvious.

Sabi daw ng IT department nila, maraming natatanggap na spam (hindi yung de-lata) kaya tinanggalan sila ng internet. Dahil hindi nila magawan ng mas epektibong solusyon yung firewall niya at ayaw na nila bumili pa ng mas mahal na software o mag-isip ng ibang strategy para i-tama and problema, ginawa na lang eh inalisan ng Internet Explorer yung mga empleyado.

Na-alala ko yung sinabi sa aking ng aking kaibigang si Ron na taga-LA nung nasa Pinas pa ako. Na-kwento ko kasing mahaba ang aking oras ng trabaho dahil maraming responsibilidad at deadlines. Sinabihan niya akong kailangan kong matuto 'to work smart'. Eh ano yung work smart? Ibig bang sabihin nun ipapasa ko yung mga trabaho sa mga iba para wala akong ginagawa? Tapos kapag tanungan na kung sino nakatapos eh magnanakawan kayo ng credit? Lalo pa't kung panahon na ng performance appraisal at evaluation ng increases. O sasabihan ko yung mga naghihintay ng output ko na kailangan sumunod sila sa deadlines ko dahil hindi ko gustong magtrabaho ng sobra?

Ano nga ba ang working smart? Hindi ko na intindihan yun nung nasa Pilipinas pa ako. Kung ay kailangan tapusin, quesejodang alas singko y medya na sa relos, hindi ako makakabangon sa aking magkaka-upo sa harap ng computer hanggat hindi kumpleto ang mga dapat tapusing mga reports, proposals, spreadsheets at memos. Kahit pa alas nueve na ng gabi. At paano kung di mo na kaya ang trabaho? Eh di humanap ka ng ibang hindi ganun ka dami ang responsibilidad! Bakit nga naman di ka na lang mag-sales lady sa SM para standard operating procedure mo eh simple: 'sorry, no more in stock' or 'ewan' lang ang i-mememorize mo. Walang stress, di ba?

Nung nakarating na ako ng Istets atsaka ko lang naintindihan kung anong ibig sabihin ng working smart. Dito kasi smart ang working style ng mga tao. Binabagalan ang paggawa para di bigyan ng dagdag na trabaho. Sa opisina ko, yung mga pinoy ang pinaka stressed. Mabilis kasi sila magtrabaho tapos pulido ang mga natatapos nila. Madetalye, malinis kung gumawa. Kaya kung merong mabilisang kailangan tapusin, inililipat yung load mula sa iba papunta sa mga pinoy (hindi naman lahat. Meron din namang mga Pinoy na matatalinong marunong na din mag-work smart). Unti-unti ang transisyon. Minsan di mo na namamalayan. Bigla na lang magtataka ka kung bakit yung katabi mo eh laging nasa telepono at walang ginagawa habang ikaw eh hindi na makapag tutbrush at maka suklay sa sukdulang dami ng kailangang tapusin.

Tapos bigla kang matitingala at magliliwanag ang iyong kapaligiran. Isang pagmumulat...
NA-UTAKAN KA NILA!

Popular Posts